Thursday, October 30, 2008

october 30 thursday 23:14

ang gulo gulo ng isip ko

bakit ba kailangan apektado ako?

wala naman akong pinanghahawakan sayo

sa mga ganitong pagkakataon

parang gusto ko na lang mawala

parang bubbles na biglang na lang puputok

*pop*

wala na

chaka minsan naiisip ko na

sana may powers ako

para alam ko kung anong nasa future

hindi ko na lang sana

ginagawa yung mga bagay noon

nanagpave ng way

para magkakilala tayo

ang hirap ng bobo ang puso

hindi ko maintindihan

hindi ko naman ginusto na ikaw yung gustuhin ko

hindi ko naman pwedeng turuan ang puso ko

hindi ko na alam talaga kung bakit ako nagkakaganito

ang labo

kasalanan ko naman din

bakit ako pumayag na maging tayo

dapat hindi na lang ako nagpadala

sa nararamdaman ko

pareho tuloy tayong nasasaktan

hanggang kailan ba tayo magiging ganito

hanggang kailan ba magiging tayo

kapag ayaw ko na

kapag ayaw mo na

kapag may nahanap na akong iba

paano ako makakahanap ng iba

ikaw nga ang andito

sa bobong puso

na ikaw na nagmamay-ari

masakit isipin na hindi naman pwede

dahil hindi mo naman ako

kayang ipaglaban

ako kaya?

kaya kaya kita ipaglaban?

maipaglalaban ba nating ang relasyon na ganito

na sa simula pa lang

wala nang patutunguhan

walang pinanghahawakan

basta masabi lang na meron kang

karelasyon

relasyon na may hangganan

relasyon na kailan man

hindi ko inisip na tatagal ng ganito

7 taon?

oo, tama higit pitong taon na

pinilit ko naman wakasan noon

pinilit kong palitan ka

pinilit kong ialis na ang lahat

lahat ng ikaw

lahat ng sayo

lahat, lahat

pero bobo ang puso

hindi pwedeng turuan

hindi pwedeng sabihan

kung sino

kung paano

nakakaramdam lang siya

pero hanggang kailan?

sana mapagod na siya

kasi napapagod na ang isip ko

ng kaiisip kung ano ba dapat talaga

ang tamang maramdaman

kung tama nga ba na may maramdaman

tamang iparamdam

kakapagod

No comments: