Sunday, October 26, 2008

october 26 sunday 5:06 pm

tapos nako magwork

nagbrowse ako sa mga accounts ko ng kung ano-anong site

nagbigay ka nga pala ng ibbrowse ko na pwedeng skin para sa laptop

browse pa ulit ako

naalala ko may account nga pala ako sa multiply

browse ko account ko shempre

ay may account ka rin pala sa multiply

bakit dko alam? teka, alam ko na pala yan matagal na

pero walang laman dati kaya hindi ko siya pansin

ngayon may napansin ako

galing ka nga sa vigan

pero nung isang gabi sabi mo sakin

hindi ka galing dun

at babae pa pala kasama mo

siguro kaya ayaw mo na malaman ko

kasi babae kasama mo

oo aaminin ko

malungkot ako

selos

taena

pero ok lang

ganun e

may rason ka para hindi sabihin sakin yun

ayoko umiyak

pero naiiyak ako

bakit kailangan mong magsinungaling?

yun lang gusto kong malaman

para san ba ako?

pang kelan lang ba ako?

pang kama lang ba?

pang boost ng confidence mo?

sakit nun ah

tinext kita

deadma ka

tinawagan kita

deadma ka

pero naalala ko kanina

sabi mo madami kang gagawin

anong gusto mong isipin ko?

ayoko ng ganitong feeling

ayokong umiyak

parang walang kwenta

parang wala naman mangyayari e

magsisinungaling ka pa din

ako kahit alam kong masasaktan ka

sinasabi ko sayo

alam mo kung anong ginagawa ko

oo nga pala

magkaiba nga pala tayo

sakin na nanggaling yan

hindi ko kailangan hanapin sayo yung nasakin

ayokong magalit

nakakapagod

walang kwenta

walang patutunguhan

tulad ng relasyon na ito

hanggang dito na lang din sa ganito

wala ka namang maiibigay sakin

kasal ka

hindi mo kaya

dahil sa mga anak mo

ikaw lang ang hinihintay ko

pero alam ko

hindi mo kaya

ayokong umiyak

masakit

asan na ba talaga tayo?

alam ko madami na tayong pinagdaanan

pero para san ba lahat yun?

para lang ba dito

sa panahon na ngayon?

siguro nga masaya ka na sa ganito

pano naman ako?

kung hindi mo kaya

pano ako?

dito na lang din ba ako?

ang selfish mo naman

ayoko talagang umiyak

ano na?

No comments: